WebClick Tracer

METRO

7 tirador ng PLDT kable nakalawit

Pitong kalalakihan ang dinakip nang maaktuhang nagnanakaw ng kable na pag-aari ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City, Miyerkules ng madaling araw.

Ang suspek ay nakilalang sina Reanjun Daquis Quintero, 29; Julius Alonzo Tamina Jr., 27; Ambrocio De Jesus Mitra Jr., 40; G-bhoy Parma Parado, 20; Gemar Alfante, 19; Jess Remegio Juan, 48, at Venancio Fernandez Reyes, 41, residente ng Area 5 Guyabano St., Brgy. Capre, QC.

Inireklamo ang mga suspek ni Adonis Arellano Palabay, 41, Security Inspector Junior Asset Protection Specialist, ng PLDT Telecommunication Inc., sa PLDT Teltec Building, Room 313, Brgy. Malamig, Mandaluyong City.

Sa report ng Quezon City Police District, Pasong Putik Proper Police Station 16, alas-2:43 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Regalado Ext., kanto ng Mindanao Ave., Brgy. Greater Lagro.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Mark Jeneson Castillo, ng PS-16, nagpasaklolo umano ang PLDT roving guard na si Alejandro Narciso, nang makitang kinukulimbat ng mga suspek ang PLDT Cable Wires. Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at naaktuhang isinasakay na ng mga suspek ang mga kable sa dala nilang sasakyan na may green markings “Transportify.”

Nang sitahin at hanapan ng permits ngunit walang maipakita ay agad na silang inaresto. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on