WebClick Tracer

METRO

Aso niluray ng kelot

Patong-patong na kaso ang kinahaharap ngayon ng isang lalaki matapos magparaos sa isang aso at ipangalandakan sa maraming tao.

Ayon sa ulat, kinasuhan si Chad Mason, 36, ng Orlando, Florida ng sexual activity involving animals, lewd or lascivious exhibition, exposure of sexual organs at criminal mischief to a place of worship.

Nagsimula umano si Mason sa panghahalay habang ipinapasyal niya ang asong labradoodle ng kanyang kaibigan sa siyudad ng Clearwater.

Batay sa Clearwater Police Department, ini-report sa kanila ang insidente sa isang apartment complex sa McMullen Booth Road sa Eastland Boulevard noong Linggo ng hapon.

Nang komprontahin umano si Mason, nagtatakbo siya patungong Northwood Presbyterian Church at nakasira ng belen at mga halamang nasa paso.

Sumunod naman siyang tumakbo sa kapitbahay kung saan nasira rin niya ang isang mailbox.

Sinubukan din umano ni Mason na mangarnap ng sasakyan bago siya naaresto. (IS)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on