WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bala umalingawngaw sa sinindihang Christmas pailaw

Nabulabog ang mga taong nanonood ng pagbubukas ng Christmas lights display sa plaza ng Cotabato City nang umalingawngaw ang isang putok ng baril habang nagsasalita ang kanilang mayor kamakalawa.

Napag-alaman na patapos na sa kanyang speech si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao na dinaluhan ng mga media at mga residente ng lungsod nang umalingawngaw ang putok ng bala.

Dahil dito ay nagkanya-kanyang pulasan ang mga ito saplaza sa pag-aakalang may sumabotahe sa pagtitipon.

Mabilis ding siniguro ng pulisya at mga tauhan ng alkalde ang buong lugar para sa kaligtasan ng mga dumalo.

Ayon kay Police Col. Querubin Manalang Jr., hepe ng Cotabato City Police Station, walang nagtangkang

sumabotahe kundi isang security guard umano ang nagpaputok ng kanyang service firearm habang hinahabol ang isang binatilyo na kumuha ng chocolate sa isang convenience store malapit sa plaza.

Sa ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ang nasabing security guard na nagpasimula ng stampede sa plaza. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on