WebClick Tracer

METRO

Bata tegi sa COVID

ISANG bata mula sa Cauayan City, Isabela ang namatay matapos magpositibo sa coronavirus disease-19 (COVID-19) sa isang ospital sa Santiago City.

Sa pahayag ni Cauayan City Health Officer (CCHO) officer Bernadynn Reyes, nagpunta sa kanilang tanggapan ang ilang kalugar upang humingi ng tulong at payo kung paano at ano ang gagawin nila sa kapamilyang bata na namatay sa isang pagamutan.

Sa salaysay ng mga kamag-anak ng nasawi, may problema sa puso ang bata at atakihin ng sakit ay itinakbo nila sa pagamutan ngunit binawian ng buhay at lumabas na positibo sa COVID-19 matapos siyang dumaan sa antigen test.

Agad namang inilibing ang bata sa San Francisco Cemetery at limang taon ang aabutin bago pwedeng ilipat sa ibang sementeryo lalo na at isa sa maituturing na sanhi ng kamatayan nito ay communicable disease. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on