WebClick Tracer

METRO

Ilang klase kinansela, PNR tigil-biyahe sa lindol

Matapos ang pagyanig ng 5.3 magnitude na lindol na tumama sa karagatan north east ng Camarines Norte, agad sinuspendi ang klase sa bayan ng Jose Panganiban sa naturang probinsya.

Ayon sa Facebook post ni Mayor Ariel Non, ang lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong mga paaralan sa kanilang bayan ay pansamantalang suspendido.

Ito ay habang isinasagawa ang assessment sa structural integrity ng mga gusali ng mga paaralan.

Ilang din sa mga eskuwelahan sa Metro Manila ay nagsuspinde ng klase gaya ng Arellano University sa Legarda.

Tigil-biyahe naman ang Philippine National Railways (PNR) kahapon.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng tren dahil sa pagyanig.

Pansamantala ring natigil ang transaksyon sa mga opisina matapos magkanya-kanyang labas ang mga empleyado. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on