WebClick Tracer

NEWS

Kahit galit sa droga! Digong aprub sa marijuana – Bong Go

Inamin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na ma­ging si dating pangulong Rodrigo Duterte ay sang-­ayon sa panukalang paggamit ng medical marijuana sa Pilipinas basta’t may karampatang regulasyon.

Ayon kay Go kahit ang dating pangulong Duterte ay bukas sa panukala kahit na matibay ang kanyang paninidigan laban sa ilegal na droga.

Sabi ni Go, chairman ng Senate committee on health and demography, basta’t kinikilala umano ang medical marijuana bilang alternatibong paraan ng medical treatment susuportahan umano ang nasabing polisiya.

“I am very much open, but I want to emphasize the importance of proper regulation if we are to allow and support medical marijuana,” sabi ni Go sa pagidnig ng nasabing panukala.

“Hindi lang medikal ang pinag-uusapan dito, kundi pati kung papaano mare-regulate ng maayos at hindi po maaabuso ang paggamit ng cannabis,” dagdag pa niya.

Sa oras na maging batas, sinabi ni Go na dapat itong mabantayang mabuti dahil sa posibleng pagsamantala ng mga negatibong elemento sa naturang batas.

“Proteksyunan natin ang buhay ng tao na kaila­ngan ng ganitong uri ng gamot pero proteksyunan din natin ang buhay ng puwedeng maging biktima dahil sa mga maaaring maging abuso nito,” saad pa niya.

“I am for its medical use so I am open to proposals on how we can regulate medical marijuana in such a way there are enough safeguards. Pag-aralan po natin ng mabuti. Even former president Rodrigo Duterte has previously expressed openness for the use of medical marijuana subject to proper regulation,” ayon pa kay Go. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on