WebClick Tracer

METRO

Magnitude 5.3 sa Cam Norte, niyugyog NCR

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Tinaga Island sa Camarines Norte nitong Miyerkoles kung saan naramdaman ito sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin nito na tumama ng ala-1:05 ng hapon.

Intensity 2 sa Quezon City, Marikina City at Pasig City habang Intensity 1 sa Malabon City, Pasay, Muntinlupa City at San Juan City. Intensity 5 naman sa Mercedes, Jose Panganiban, Camarines Norte;

Intensity 4 sa Daet, Camarines Norte; Guinayangan, Polillo, Quezon at Intensity 3 sa Ragay, Pili, Iriga City, Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca, Quezon.

Saad ng Phivolcs, inaasahan ang aftershocks matapos ng lindol ngunit walang inaasahang tsunami.

Inaalam na rin ng National Disaster Rick Reduction and Management Council kung may mga naging pinsala ito. (Catherine Reyes)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on