WebClick Tracer

METRO

Magpipinsang paslit hinigop ng ilog

Dalawa sa magpipinsang bata ang nasawi nang malunod sa ilog sa Barangay Corocor, Bacarra, Ilocos Norte nitong Martes.

Nakaligtas naman ang dalawang kasama ng mga ito.

Base sa imbestigasyon ng Bacarra Police Station, nagtungo at naligo ang apat na magpipinsan sa ilog na nasa 20 metro lamang na layo mula sa kanilang bahay.

Kasama pa umano ng mga ito ang kanilang mga nanay na naglalaba di kalayuan subalit hindi namalayang lumusong ang apat sa bahagi ng ilog na nahaharangan ng isang mini dam.

Sa kasamaang palad napapunta ang tatlo sa malalim na bahagi.

Nalaman lamang ng mga nanay ang nangyari nang sabihin ng isa sa batang nakaligtas ang sinapit ng tatlo.

Agad silang ni-rescue subalit nasawi ang dalawa habang nilalapatan ng paunang lunas.

Na-revive naman ang pangatlong biktima. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on