WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Beauty-cosmetics company lubog sa utang

Malapit na raw magsara ang isang kompanya na kilala sa pagbebenta ng beauty at cosmetics product dahil sa napakalaking utang sa mga bangko gayundin sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Tsika ng ilang Marites, nagtatago na raw ang mga opisyal ng kompanya dahil makailang ulit na hindi sinipot ang miting sa mga pinagkakautangan nila.

Kumbaga sa isang papalubog na barko, nagtalunan na sa dagat ang mga tripulante at ang natitira na lamang ay ang kapitan ng barko – ang batang-batang presidente ng kompanya.

Mukhang walang tiwala ang mga opisyal sa batang presidente, marahil ay ampaw ang utak kaya kulang sa diskarte para mapalago ang negosyong minana sa kanyang ama.

Pilit daw kasing pinapaganda ng presidente ang imahe ng produkto at serbisyo nila kaya naman lagare sa mga guesting at paglabas ng pondo sa social media ads.

Sa kabila nito, mukhang hindi bumenta ang mga ideya ng ampaw na presidente ng kompanya dahil mahina pa rin ang benta ng kanilang produkto sa mga malalaking mall at establisimiyimento.

Kumbaga, nilangaw pa rin ang produkto ng kompanya.

Kahit anong pagpapabango ang gawin ng presidente, umaalingasaw pa rin daw ang baho ng kompanya dahil sa kaliwa’t kanang kaso at reklamo.

Kamakailan nga lang daw ay nahainan ng kaso ang liderato ng kompanya sa Makati head office nila, at ang paandar daw ng mga guwardya ay wala na raw namamasukan doon nitong pandemic.

Aba’y ginamit pa sa fake news ang kanilang guwardiya gayung noong nakaraang buwan lamang ay nakipagmiting pa ang mga boss ng kompanya sa head office nila.

Clue: Ang presidente ng kompanya ay pinagtsitsismisan na sa industriya dahil sa mga palpak na diskarte sa negosyo simula nang manahin niya ito sa kanyang ama.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on