WebClick Tracer

NEWS

BSP tinanggalan ng lisensya ang teachers’ loan association

Binawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lisensya ng Manila Teachers’ Savings and Loan Association Inc. (MTSLAI) bilang non-stock savings at mag-operate para sa pagpapautang.

Sa pahayag na inilabas ng BSP, tinanggalan ng lisensya ang MTSLAI nitong Disyembre 20, 2022 makaraang aprubahan ng Monetary Board ang Resolution No. 735 na may petsang Mayo 26, 2022 alinsunod na rin sa Section 22 ng Republic Act No. 8367 o Revised Non-Stock Savings and Loan Association Act of 1997.

Ito’y dahil umano sa paglabag ng asosasyon sa naturang batas at sa inilabas na mga patakaran ng BSP.

“The Monetary Board, in its Resolution No. 1676 dated 17 November 2022, denied with finality the request for reconsideration of MTSLAI on the revocation of its license to operate as a Non-Stock Savings and Loan Association,” ayon pa sa pahayag ng BSP.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on