WebClick Tracer

NEWS

Mga provincial bus balik sa EDSA

Pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling makabiyahe sa kahabaan ng EDSA ang mga provincial bus.

Gayunman, nilinaw ng MMDA sa pahayag na inilabas ng ahensya nitong Huwebes na papayagang dumaan ang mga provincial bus sa EDSA mula Disyembre 24, 2022 (Sabado) hanggang Enero 2, 2023 (Lunes) lamang.

“Provincial buses coming from North Luzon shall terminate their trips at the bus terminals in Cubao, Quezon City,” ayon sa MMDA.

Para naman sa mga provincial bus na galing South Luzon, matatapos ang kanilang trip sa mga bus terminal sa Pasay City.

Ipinaliwanag ng MMDA na ginawa ang nasabing hakbang dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na mag-uuwian sa kanilang mga probinsya ngayong holiday season, Pasko at sa Bagong Taon.

Ayon sa MMDA, layon nito na mabigyan ng maginhawang biyahe ang mga mag-uuwian sa probinsya. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on