Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2023 pa tayo babalik sa normal – Duterte

0 130

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng sa 2023 pa o pagkatapos ng kanyang termino magbabalik sa normal ang buhay ng mga Pilipino na nahaharap pa rin ngayon sa pandemya ng COVID-19.

Ipinahayag ito ng Pangulo nang matanong sa press conference matapos salubungin ang pagdating ng COVID-19 bakuna ng Sinovac noong Linggo.

“Maybe early year 2023. Not 22. Ito ngayon hanggang katapusan ng buwan paspasan tayo (pagbakuna). Maybe in the first or second quarter or year 2023,” sabi ng Pangulo.

Una nang tinanggihan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa dahil nais umano niyang magkaroon muna ng bakuna laban sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.