WebClick Tracer

LIFESTYLE

Iwasan ang pa-morningan

Mula nang tumama ang Covid-19 pandemic, inaabot ako ng madaling araw bago dapuan nang antok. Kung minsan nga, pasikat na ang araw bago pa ako makatulog. Sa totoo lang, masakit sa ulo kapag wala sa oras ang tulog. Iba pa rin talaga ang tulog sa gabi kaysa umaga.

Marahil ganito rin ang karanasan ng mga kababayan nating nasa graveyard shift o ‘yung sa gabi ang trabaho at sa umaga naman ang tulog.

Ayon sa ilang eksperto, importante pa rin ang hanggang walong oras na sleeping hours kada araw.

Sa mga alcoholic d’yan, iwasang uminom ng alak. Hangga’t maaari, avoid drinking coffee too. Malamig ang panahon ngayon kaya madalas tayong magkape lalo na sa gabi. Pero may caffeine content ito na nakapagpapabuhay ng ating diwa at isip.

Huwag masyadong magpa-stress sa trabaho o eskuwela. No mental work after 6pm. Hangga’t maaari, huwag na mag-isip nang kung anu-ano sa gabi para makapahinga nang maaga. Kapag occupied kasi ang isip ng maraming bagay, mas nahihirapan tayong makahanap ng oras para magpahinga.

Try supplements. Mainam din kung may iniinom kang vitamins para mas maging mahimbing ang iyong tulog.

Drink hot milk or tea. Uminom ng maligamgam na gatas o kaya’y chamomile tea. It will keep you warm. Mabilis ka ring makakatulog. Wala pang tiyak na basehan, pero ayon sa ilang eksperto, mabisa rin ang green tea, hindi lang sa mahimbing na pagtulog kundi sa paglaban din sa Covid-19.

Iwasang magtrabaho sa gabi. Huwag mag-schedule ng early meeting. Karaniwan kasing pinupuyat mo ang sarili mo sa trabaho kapag may maagang meet-up ka the next day.

Have a comfortable bedroom. Importante na malambot ang iyong higaan para komportable kang matulog. Patayin din ang ilaw kung mas makatutulong ito sa mabilis mong pag-idlip.

Cover your eyes and ears. Para sa iba, mas mabilis silang makatulog nang may takip ang mga mata at tenga.

Ang sa akin lang, huwag kalilimutang magdasal bago matulog. ‘Yan ang pinaka-importante. Ipanalangin na maging mahimbing ang iyong pagtulog para maganda at masigla ang gising sa darating na umaga.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on