WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Palace exec winakwak mga kasamahang opisyal

SINO raw itong opisyal sa Presidential Communications Office ang kinaiinisan ng mga kasamahang opisyal dahil sa walang humpay na paninira diumano nito at pagpapakalat ng intriga manatili lamang ito sa puwesto.

Tsika ng ilang impormante, ang pagiging intrigera ng opisyal na bansagan nating ‘Marites’ ang dahilan kung bakit nito nakuha ang kanyang posisyon dahil siniraan nito ang ilang kasamahan sa headquarters ni PBBM noon panahon ng kampanya.

Dahil sa abilidad ng opisyal, nakapagtanim ito ng maraming tao galing sa dating administrasyon dahil sa isang dating undersecretary na naging ka-tandem nito sa screening ng appointees sa BBM HQ noon.

Ngayong tinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si PCO Usec. Tala Maralit, muling umarangkada raw sa paninira itong si Marites sa mga kasamahan niya sa opisina maging bida lamang sa kanilang departamento.

Itong si Marites ay dati rin diumanong Executive Assistant (EA) ng isang dating communications chief ngunit sinibak ito ng kalihim dahil na rin sa pagi-espiya laban sa kanya para sa kanyang misis na nagbibigay diumano ng hiwalay na allowance makarating lamang ang sikretong galawan ng mister sa labas ng bahay.

Clue: BFF ng opisyal ang isang natanggal na executive sa Palasyo.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on