WebClick Tracer

LIFESTYLE

Bulate

Iba’t iba ang impeksyon. May virus, may bakterya, at may parasitiko. Iba’t ibang klase din ang mga parasitiko.

Karamihan sa naaapektuhan ay ang mga bata. Kaya naman sa pagbukas ng taon, isa ito sa pryoridad ng Department of Health o DOH. Itong buwan ng Enero ay National Deworming Month. Binibigyan ng kahalagahan ang impormasyon at pagturo sa pagpurga.

Ang mga pangkaraniwan na parasitiko na makikita ay ang mag sumusunod.

Ang Ascaris lumbricoides ay isang round worm. Nagiging sanhi ng matinding pananakit ng tyan, malnutrisyon, pagsusuka dahil maaaring kumumpol at maging bolus na bumara sa bituka. Kung minsan, makikitang lalabas ang mga bulate sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang Enterobius vermiculares o pinworm. Ito ay nananatili sa tumbong ng mga bata. Kaya madalas na nagangati ito. Mapapansin na hindi din sila mapakali sa kanilang upuan. Pwede din ito mapunta sa higaan, kaya dapat palitan at malabhan ng maayos. Ito lang ang hindi kinakailangan ng stool exam o fecalysis. Ang paraan ng pageksamin dito ay sa pamamagitan ng scotch tape swab.

Giardia lambda o giardiasis. Isang sanhi ng diarrhea.

Meroon din na Tapeworm o mga Taenia coli, pwedeng makuha sa pagkain ng hindi lutong baka (saginata) at baboy (solium). Maaaring bumiyahe ang mga ito sa labas ng bituka.

Mayroon din na mga hookworms. Ang Ancylostoma duodenale o ang old world hookworm at ang Necator americanus na new world hookworm. Nagiging sanhi din ng pagdugo sa bituka kaya pwedeng maging anemic ang mayroon nito. Madalas manghina at mabilis mapagod. Kung lalala ay mapapnsin na pwedeng maging maputlaang balat. Nakukuha ito sa paglakad nang nakayapak. Kaya rinerecomendahan na mag sapatos o tsinelas, lalo na kung lalabas ng bahay at lupa ang lalakaran.

May mga bakterya din na pwedeng maging sanhi ng diarrhea, kasama na dito ang mga sumusunod.

Ang Salmonella at Shigella.

Eschericia coli. Sa totoo lang, ito ay normal na nakikita sa bituka. Ngunit kung sumobrang dami, pwede din maging sanhi ng pagtatae. Nagiging sanhi din madalas ng urinary tract infection o UTI. Eto naman makukuha kung hindi wasto ang hygiene o paglinis ng pwerta. Kaya itinuturo na ang wastong paghugas o pagpunas ay mula sa harap papunta sa likod at hindi kabaligtaran. Ito ay sa dahilang baka mapunta ang E coli sa pwerta at maging sanhi ng asencending infection.

Ilan lamang ito sa napakadaming mga sanhi ng iba’t ibang kundisyon, at ang karamihan ay makikita sa pamamagitan ng stool exam o fecalysis. Kaya mainam na mapurga ang mga anak natin. Inuulit pa ito madalas at pinapayuhan din ng maayos ng mga doktor. Kung may mga sintomas pa na napapansin ay ipatingin din agad ng maagapan ang mga kumplikasyon.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on