WebClick Tracer

NEWS

LTFRB pinalarga 42 `rescue bus’ sa EDSA rush hour

Upang tugunan ang problema sa kakulangan ng mga pampasaherong sasakyan lalo na kapag rush hour, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dagdagan ng 42 pang bus sa kahabaan ng EDSA na sinimulan nitong Enero 9 at magtatapos sa Enero 16.

Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, pinagtibay nila ang resolusyon para sa `rescue’ bus units bilang tugon sa naobserbahang kakulangan ng mga sasakyan na kasalukuyang tumatakbo sa EDSA.

Ang mga dagdag na unit ay mula sa mga kompanya ng bus na hindi miyembro ng dalawang consortium na nagpapatakbo sa EDSA Busway.

Sa mga panuntunan na itinakda ng LTFRB, bibiyahe ang mga `rescue bus’ sa loob ng 12 oras o mula alas-sais ng gabi hanggang alas-sais ng umaga pagkatapos ng 20 oras na biyahe ng mga regular na bus, na mula alas-kuwatro ng umaga hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

Binigyan-diin pa na dapat sumunod sa fare matrix ang mga regular at rescue bus. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on