WebClick Tracer

LIFESTYLE

Multong kumakanta sa hatinggabi

Mga ka-Misteryo isang kakila-kilabot na karanasan ang ibinahagi sa Misteryo ni Leolinda ng Pasig. Bigla siyang nagising sa hatinggabi na may kumakanta sa kanilang bintana.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Misteryo: “Paano mo narinig yung kumakantang yun?”

Leolinda: “Natulog kasi ako sa sala namin malapit ako sa bintana. Sa sofa na mismo ako natulog kasi malamig naman ang hangin kasi Disyembre na nga. Nahimbing na ko nun tapos parang may narinig ako boses ng babae na kumakanta mahina lang. Akala ko nga sa kalapit na apartment lang namin galing yung humming ng babae. Bigla ako bumangon sumilip ako sa bintana. Walang tao sa kabilang unit kaya nangilabot ako. Tinignan ko talaga mabuti baka may gising sa kabilang unit. Walang gising mukhang tulog sila kaya naisip ko ghost yung kumakanta.”

Misteryo: “Ngayon mo lang ba narinig yan? Ano ang tono nung babaeng kumakanta?”

Leolinda: “Para siyang nagpapatulog ng bata pero dinig ko parang nasa window lang namin yung voice ng babae.”

Misteryo: “So that means nakatinghaw siya sa window niyo kasi hindi mo nakikita kung ganun hindi sa katabi niyong apartment?”

Leolinda: “Exactly, ganun nga ang narinig ko kaya tumakbo na ko papasok sa room ko kasi natakot na ako. Ghost na yun eh.”

Misteryo: “May alam ka bang may namatay sa katabi niyong apartment?”

Leolinda: “Hindi ko alam kasi hindi naman kami close sa kabila alam mo bihira yung close ka talaga sa katabing unit kasi bihira naman magkakitaan.”

Misteryo: “After ba nung experience mo na yun, nasundan pa ba yun?”

Leolinda: “Hindi na nasundan pero iba naman naririnig ko mga kalabog sa Gabi. Ganun din sa may bintana namin.”

Kayo mga ka-misteryo meron ba kayong katulad na paranormal experience? Mag-email sa misteryophilhet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Ni Rey T. Sibayan

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on