WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

P10M sa Cotabato nalusaw sa fish kill

Pumalo sa mahigit P10 milyong halaga ang danyos ng fish kill sa walong sitio na sakop ng mga Barangay Poblacion at Bacdulong sa bayan ng Lake Sebu, sa South Cotabato nitong Biyernes.

Sa report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Municipal Agriculturist na si Zaldy Artacho, nauna nang nagsagawa ng emergency harvest noong Huwebes ang ilang fish cage operators matapos mapansin ang paglutang ng ilang isda na may kalakihan na. Aabot sa 10 tonelada ang kanilang na-harvest.

Karamihan sa mga namatay na isda ay mga semilya, na pagmamay-ari ng 134 na mga fish cage operators sa bayan.

Ayon sa tala ng Municipal Agriculture Office at fish port, 143,571 kilo ng isdang tilapia ang namatay, na tinatayang nasa P10,049,970 ang halaga base sa price average nito na P70 kada kilo.

Kabilang sa mga tinitingnang sanhi ng fish kill ay ang biglaang pagbabago ng panahon, over population, o overcrowding sa mga fish cages. (Riz Dominguez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on