WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

7 landslide sa Iligan; bahay natabunan, kalsada barado

AABOT sa pitong landslides ang naitala sa Iligan City na nagresulta sa pagkasira ng ilang mga bahay at mga kalsada sa ilang mga barangay dito dahil sa pag-uulang dala ng low pressure area.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Nouvel Krish Aemery Lagapa, nangyari ang mga landslide sa C3 diversion road; Suarez-Abaga road: malapit sa entrance ng military detachment sa national highway sa Barangay Suarez; Sitio Olas sa Barangay Ubaldo Laya; Barangay Upper Hinaplanon; Barangay Rogongon; at dalawa sa Barangay Pugaan.

Samantala, ang access road papunta sa Sitio Green Valley sa Barangay Tubod ay barado sanhi ng mga putik at bato.

Sa Barangay Tomas Cabili, isang bahay na dating simbahan ay natabunan.

Sinabi naman ni Pastor Antonio Pulgo na walang nasugatan sa insidente. (Catherine Reyes)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on