WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

5 Abu Sayyaf sumuko

Limang miyembro ng Abu Sayyaf ang tuluyan nang sumuko sa mga awtoridad nitong Sabado, Enero 14 sa Basilan.

Kinilala ang sumukong sina Farhat Kang Palluh, Amil Palluh, Merham Hasalal Palluh, Basri Tukul at Omar Hajubain, pawang mga residente ng Barangay Bohe Suyak, Ungkaya Pukan, na nagpasyang sumurender sa pagnanais na makasamang muli ang kanilang pamilya.

Kasamang isinurender ng grupo ang kanilang tatlong rifle at mga bala, kasunod ng negosasyon kasama ang pulisya at 64th Infrantry Batallion ng Army.

Bago dinala sa Ungkaya Pukan Rural Health Unit ang lima ay dinaan muna ang mga ito sa tactical interrogation at custodial debriefing para sa kanilang medical examination.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on