WebClick Tracer

OPINION

Erpat sinisingil sa utang ni utol

Dear Attorney Claire,

Good day po and hope all is well.

May idudulog po sana ako sa inyo, yong kapatid ko po kasi ay my individual na inutangan, ang balance pa po ng utang niya ay P12,800 .Ngayon po dahil hindi pa po ulit nababayaran ng kapatid ko, yong Father ko po ang ginigipit nung nagpautang. Pinuntahan po ang father ko sa bahay at pinapirma ng kasulatan, hindi pa po nakontento pinilipt pa pong sumama sa barangay para official na pumirma. And kasunduan po na nakasulat ay kapag hind nabayaran ang utang after January 20,2023 ay kukuhanin po ang ref tv at aircon.

Ang concern ko po,

1. In the first place, hindi naman po utang ng father ko un, utang po ng kapatid ko yon.

2. Matanda/senior na po father ko at my sakit pa po, dahil sa stress at sumasakit na po dibdib niya kaya napilitan nalang po siya sumama sa barangay.

3. Buhay pa po ang kapatid ko, bakit nililipat sa kapamilya ang obligasyon ng pambayad ng utang po.

4. Yong value ng appliances na kukunin po ay more than sa amount na 12,800 pesos na utang.

May karapatan po ba ang nagpautang na singilin ang father sa utang ng kapatid ko. Ano po pwede naming gawin sa nagpautang dahil sa ginawa niya po sa father ko? Sana po matulungan niyo po ako.

Salamat po, Godbless.

Regards,

Dairen

Ms. Dairen,
Walang karapatan ang nagpautang sa kapatid mo na singilin kayo. Ngunit sana ay hindi pumirma ang tatay mo sa barangay kasi lumalabas na sumasang ayon siya na kakargahin niya ang utang ng kapatid nyo.

Ang tanong ko…ang tatay mo ba may ari ng ref, TV at aircon? Dahil kung hindi siya ang may ari ng mga ito ay wala siyang karapatang ipamigay ang mga ito sa nagpautang sa kapatid mo kahit na pumirma pa siya sa barangay. Dahil hindi maaaring magpamigay ng gamit na hindi naman niya pag-aari.

Hindi rin naman makukuha iyan ng creditor kung di ninyo ibibigay ng boluntaryo. Kakailanganin pa niyang magsampa ng Motion to Execute sa barangay (kung may kasunduan sa barangay). Kung matatapos ang 6 months matapos ang kasunduan at hindi pagtupad sa kasunduan ay kakailanganing sa korte na siya magsampa ng kaso.

Sa madaling salita, kailangan na ang kapatid mo ang singilin ng nagpa utang at hindi ang tatay mo o ang pamilya ninyo. Tandaan na hindi kayo co-maker sa utang ng kapatid mo. Ni hindi rin kayo Guarantor sa utang niya.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante Tabloidista (Facebook and Youtube) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 5:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on