WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko tinatago anak sa labas na beki

Sino raw itong politiko na sagad to the bones ang pagtutol sa same-sex marriage na nakasaad sa isinusulong na Sexual Orientation, Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) bill sa Kongreso.

Katuwiran daw ng politiko, hindi pa handa ang Pilipinas sa same-sex marriage dahil sagradong Katoliko ang bansa. Owws! Talaga?

Kilalang barako ang politiko na itago natin sa pangalang ‘Hinete’ at nagmula sa lalawigan ng mga bayani. Katunayan, ilan daw sa mga ninuno nito ay nanguna pa sa pag-aaklas laban sa pananakop ng mga Kastila at maging sa mga hapon, kahit wala naman sa kanilang angkan ang may kaugnayan sa military.

Nasa dugo raw ni Hinete ang pagiging barako, saktong sakto sa reputasyon ng kanilang lalawigan na ang bawat bahay ay may “maiksi at mahabang” baril.

Magaling din lumaro sa politika si Hinete, aba’y humawak na kasi ito ng iba’t ibang posisyon sa gobyerno, halal man o itinalaga. Ganun siya kahusay.

Eksperto rin sa kama ang ating bida kaya maraming babae ang dumaan sa kanyang kamay. `Yun nga lang, hindi niya naiwasang makabuo sa ibang kandungan bukod sa kanyang esmi.

Halos 30 taon daw na tinago ng politiko ang lihim na ito pero tulad ng kasabihang walang lihim na hindi mabubunyag, mukhang naboldyak siya ni kumander dahil dito.

Kaya raw ayaw ilantad ng politiko sa publiko ang anak sa labas ay dahil beki ito. Hindi kasi tugma sa macho image ng politiko ang pagkakaroon ng anak na may lawit din ang hanap.

Ito raw ang tunay na dahilan kaya hinaharang ng politiko na umusad at maging batas ang SOGIE bill.

Clue. Masisipat n’yo ang kanyang pangalan Noli Me Tangere.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on