WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Sikyo, 3 pa niratrat sa pantalan

Patay ang isang security guard habang sugatan ang tatlong iba pa matapos ang naganap na pamamaril sa isang pribadong wharf kahapon ng umaga sa Zamboanga City.

Kinilala ni Police Major Francis Birones, hepe ng Station 11 ng Zamboanga City Police Office, ang nasawing biktima na pangalan lang na Philix, 60. Sugatan naman ang tatlong iba pa na sina Albasar Abdul Amiril, 37; Mohammad Taha Panolera Saddalani, 26; at Saramae Panolera Saddalani, anak ng may-ari ng Taha Wharf sa Barangay Baliwasa ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-6:20 ng umaga habang nag-uusap ang mga biktima sa pantalang nang biglang sumulpot ang hindi pa kilalang gunman at pinagbabaril ang mga ito.

Nasapol ang apat pero napuruhan ang sikyo na si Philix.

Matapos ang pamamaril ay parang walang anumang nangyari na naglakad lang ang suspek.

Sa ngayon ay patuloy na nag-iimbestiga ang pulisya para sa kilalanin ang suspek at alamin ang motibo nito. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on