WebClick Tracer

OPINION

Ituwid ang pagkakamali

“Treat everyone with respect and kindness. Period. No exceptions.”

– Kiana Tom

Mga ‘iGan , hindi ako natawa at hindi rin ako natuwa sa inasal ng aktres na si Alex Gonzaga sa isang waiter noong birthday party niya .

Aaminin ko , nasaktan ako .

Bilang dating waiter sa isang fastfood restaurant noong nasa kolehiyo , di ko maatim na hindi mag-react sa maling trato ni Gonzaga sa aking kabaro .

Yes mga ‘iGan , halos isang taong mahigit ako na nagsilbing waiter , busboy at cook sa Kentucky Fried Chicken Roxas Boulevard branch noong 1985-1987 , kaya ganon na lang ang respeto ko sa kanila hanggang ngayon.

Malaki ang naitulong sa akin bilang working student para nakapagtapos ako sa University of Sto. Tomas . Nahubog din ako paano makikitungo sa kapwa anuman ang antas niya sa buhay .

Kaya lagi ko na ipinagmamalaki ang aking karanasan bilang waiter sa mga kabataang mag-aaral . Walang hadlang para makamit mo ang iyong pangarap .

At maging sa mga anak ko , lagi kong pinapaalala sa kanila kapag kumakain kami sa labas na igalang at tratuhing mabuti ang isang waiter . Kapalit naman niyan ay mabuting serbisyo .

Kitang-kita sa nag-trending na video ni Gonzaga na tila napahiya , nasaktan at nainsulto si Mamang Waiter nang pahiran siya sa mukha ng aktres nang bitbit niyang birthday cake .

Kilalang kikay bilang komedyante si Gonzaga kaya nagustuhan siya ng marami . Pero lagi niyang isipin na may limitasyon ang lahat at dapat maging maingat dahil ginagawa siyang huwaran ng kabataan.

Ang biruang ganyan ay ginagawa ng magkakakilala o magkakaibigan pero hindi sa isang nilalang hindi mo naman kakilala .

Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko kilala mo man ito o hindi.

Kung mahihimasmasan na , may panahon pa si Gonzaga na hanapin at personal na humingi ng patawad kay Mamang Waiter . Pagkatapos ay humingi siya ng public apology sa maraming netizen na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa .

Ang pagpuna sa kanya ng marami ay marapat pa ngang ipagpasalamat niya . Lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon na maituwid ang bawat pagkakamali at malalaman lamang natin ito sa mata ng iba.

Walang Personalan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on