WebClick Tracer

LIFESTYLE

Nakakahilong Biyahe

Nag-uumpisa na bumiyahe ang mga tao. Hindi lang sa syudad o sa mga ibang probinsya, pati sa ibang bansa, mas dumadali namas dumadami pa. May pagkakataon na tayo ay mahihilo. Napakadaming dahilan at sanhi nito. Pwedeng may problema samata, sa dugo, sa puso, at kung minsan ay kahit sa pagiisipnanggagaling ito.

Pero kung sakaling nasa sasakyan, ano mangsasakyan, mapakotse, bus, tren, barko, eroplano o sa mgasinasakyan sa perya at kahit elevator lang, o may history nananggaling sa mga ito, motion sickness ang diagnosis. Ito ay nangyayari dahil hindi sabay ang senyales na nanggagaling samata at tenga papunta sa utak. Pwede din na magkasalungat pa ang mga ito. Ang resulta ay paghilo, pangliliyo, at hindi malayona magsuka. Maaari din makaramdam ng mga sumusunod; pinapagpapawisan ng malamig, hindi makaisip ng mabuti, naglalaway, naiirita, napapagod o nahahapo, at maputla. Base samga pagsusuri, madalas mangyari ito sa mga bata, edad 2 hanggang 12. Hindi ito nararamdaman ng mga sanggol. Habangnagkakaedad, nababawasan ang posibilidad nito, ngunit mdalashindi nawawala. Ang mga kababaihan ay mas madalasmaramdaman ito, lalong lalo na kung buntis, dinadatnan o umiinom ng mga hormones. Madalas mawala naman ang mganaramdaman sa loob ng mga 4 na oras pagkatigil ng biyahe.

May mga maaaring gawin para hindi basta umatake ang motion sickness. 1. Mabawasan ang paggalaw, mainam sa harapan ng sasakyan maupo. 2. Tumingin sa harap o sa isang puwesto lang. 3. Kung hindi kaya sa harap, piliin ang sa may bintana. 4. Kung kaya ay makalanghap sana ng simoy ng hangin. 5. Kung kaya, mahiga, ipikit ang mag mata at matulog. 6. Magfocus sapaghinga, huminga ng mabuti. 7. Uminom ng sapat na tubig. 8. Kumain pa din kahit pakauntiunti. 9. Huwag manigarilyo. 10. Mayroong tinatawag na desensitization therapy, para hindi langmabawasan, at sana ay gumaling. I-expose ang sarili sa mga samga panandaliang kilos na maaaring makapag trigger ng motion sickness, hanggang sa tumagal ang oras ng mga ito. Halimbawa, kung nangyayari ito dahil sa pagbasa ng libro o cell phone, umpisahan na gawin ito ng ilang minute lamang tapos tumigil. sana ang susunod ay tatagal na hindi magkakasintomas. Kung talagang hindi maiwasan, magpatingin sa inyong doktor, lalo nasa mga ENT o otorhinolaryngologist-head and neck surgeons para masuri ang tenga at sa mga ohpthalmologists naman para samata, para malaman kung may iba pang problema ang mga ito at makarekomenda ng mga gamot para sa byahe.

Masarap bumiyahe, napakaganda ang mga tanawin na maaaringmakita sa mga ibang lugar. Sana lang ay tunay na maenjoy at hindi nahihilo.

Hanggang sa susunod! Keep healthy! Stay safe!Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib saDWIZ882 at IZTV 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahaysa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on