WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Government exec mahilig sa mga patay

Sino raw itong opisyal ng gobyerno na walang ibang kinakalat sa social media kundi ang mga natigok o nagkakasakit?

Kahit hindi Halloween, kuwentong patay o nagkakasakit ang pinagkakalat nito sa socmed.

Noong nakaraang kapaskuhan lamang, nagpost pa ito ng babaeng nag-collapse sa kanyang bahay at binawian ng buhay.

Hindi naman siya mukhang Grinch na ayaw sa Pasko pero sadyang nakagawian na niyang i-like ang mga kuwentong nategi.

Kahit nga raw masasabing fake news, aba’y pinapatulan ng opisyal lalo na kung patay ang pinag-uusapan.

Bihira raw itong sumawsaw sa mga isyung politikal, mas lalo na ang tungkol sa showbiz.

Nagsimula raw ang ganitong gawain ng opisyal nang manalasa ang pandemya sa bansa.

Mistulang praning na nga raw ang opisyal at matutulad na sa ibang taong may ‘conspiracy mentality.’

Clue: Ayaw ng opisyal magpaturok sa mga lalaki at kahit na anong bagay. Mukhang panahon ng Kastila manamit ang opisyal. Gets n’yo na?

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on