WebClick Tracer

OPINION

Irespeto mga ordinaryong manggagawa

Kinuyog ng mga netizen ang actress na si Alex Gonzaga sa ginawa niyang pagpahid ng icing ng cake sa mukha ng waiter na si Allan Crisostomo.

Trending na naman si Alex at tiyak baka kumita pa nga siya sa video na ‘yan sa kanyang You Tube at Facebook page. Biruin mo, nabatikos na kumita pa!

Humingi naman ng paumanhin pero still hindi ito tinanggap na netizens dahil hindi katanggap-tanggap ang ganoong klase pagtrato sa isang ordinaryong mamayan.

Naging insensitive si Alex Gonzaga. Kahit sabihin mong biro lang iyon hindi pa rin niya ginawa dahil alam mo naman sa panahon ngayon, agad itong kakalat sa social media at iyong nag-back fire sa kanya ang kanyang maling ginawa.

Okay lang siguro yun kung ginawa niya sa kanyang kapatid, kay Toni Gonzaga or sa husband niya or sa parents niya or friends niya, pero kung ibang tao lalo na kung ordinaryong tao lang tulad ni Allan Crisostomo.

Buti sana kung pabiro ginawa iyon ni Alex. Kaso seryoso siya at parang walang remorse sa kanyang ginawa. Yung expression ni Crisostomo, sa totoo lang nakakaawa, sad face kasi siya noong pinahiran siya ng icing. Halatang hindi siya natuwa sa ginawa ni Alex.

Ang nakakapagtaka lang, bakit gumawa pa si Allan ng letter para ipaalam na nag-sorry na sa kanya ang TV-host actress. Kaya duda tuloy ng ilang netizens, inutusan ni Alex si Allan para gumawa ng letter na iyon. Posible nga naman.

Mas matutuwa pa siguro ang tao kung mismong si Alex ang pumunta kay Allan para personal siyang humingi na paumanhin. Pero siyempre dapat sincere ang paghingi ng sorry, dapat walang halong kaplastikan.

Kahit anong gawin ni Alex, hindi tanggap ng netizens ang ginawa niyang panghihiya sa waiter. Matagal bago mawala yan unless na ipakita niya na seryoso siya sa paghingi ng sorry. Mas maganda nga siguro, bigyan niya ng share sa kikitain niya sa social media ang trending niyang video. Di ba?

Kung may nakinabang man sa pag-trending muli ni Gonzaga, walang iba kundi siya. Remember, isa sa sikat na vlogger si Alex at kumikita yan na limpak-limpak sa bawat content niya sa social media. Hay buhay!

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on