WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Estudyante nawala, bumulaga bangkay sa banyo

Naaagnas na ang katawan nang matagpuan ang nawawalang babaeng Grade 10 sa isang abandonadong bunkhouse sa General Santos, Miyerkules ng hapon.

Ang biktimang si Jazdel Gabayeron, 16, ay natagpuang patay ilang metro ang layo mula sa pinapasukang SPED Integrated School, sa loob ng makeshift comfort room ng bunkhouse malapit sa Camella Cerritos Subdivision sa Purok Malipayon, Barangay San Isidro.

Nakauniporme pa ang biktima at nagkalat ang kanyang cell phone, bag at iba pang gamit.

Natagpuan din malapit sa bangkay nito ang isang kalibre 9mm na baril at isang basyo ng bala.

Sa panayam sa radyo sa ama ng biktima na si Jaz Gabayeron, retiradong sundalo at ngayo’y isang `security practitioner at security consultant,’ siya pa umano ang naghatid sa anak sa iskul noong Enero 12.

Sinabi ng dalagita sa ama na sasali siya sa isang aktibidad sa paaralan at hiniling na sunduin siya ng alas-sais ng gabi ngunit nang sunduin ay wala na ito. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on