WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

NPA lider, kabaro dedo sa engkuwentro

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang isa nilang mataas na opisyal na nag-ooperate sa southern Mindanao matapos ang naganap na engkwentro kontra mga tauhan ng Philippine Army sa bayan ng Matum, Sarangani, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing NPA official na si Arnold Laugo Amad alyas Kempee Maguan, 2nd Deputy Secretary ng Guerilla Front Musa ng South Mindanao Region, at kasama nitong si alyas Saysay.

Sa ulat na inilabas kahapon ni Lt. Col. Rey Rico, commander ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army, naganap ang engkwentro nitong Miyerkules sa mabundok na bahagi ng Barangay New La Union.

Isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap ng kasundaluhan hinggil sa presensya ng mga NPA sa lugar dahilan upang rumesponde ang mga tauhan ng 34th Infantry Battalion at nagkasagupaan.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok ay nagkanya-kanyang takas ang mga rebelde at iniwan nila ang bangkay ng dalawa nilang kasamahan.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .45 baril na gamit ni Amad.

Patuloy naman ang ginawang hot persuit operation ng mga sundalo upang mahabol ang mga tumakas na mga NPA. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on