WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

P7M shabu pinuslit, binenta sa Shangri-La

Arestado ang isang binata na umano’y big-time drug pusher habang nasa isang kilo ng pinaniniwalaang shabu na halos nagkakahalagang P7M o kabuuang P6.8 milyon ang nakumpiska sa kanya matapos ang isinagawang buy bust operation ng pulisya kamakalawa sa Shangri-La beach resort sa Carles, Iloilo.

Hindi na nakapalag nang posasan ang suspek na si Mattew James Bacos alyas Toto, 20, matapos nitong bentahan ng shabu ang isang police poseur buyer matapos ang ikinasang buy-bust.

Sa ulat na ipinadala ni Police Regional Office (PRO) 6 Director Police General Leo Francisco, kay PNP chief General Rodolfo Azurin Jr., alas-10:45 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation ng pulisya laban sa suspek sa Shangri-La Beach Resort, Brgy. Barosbos, Carles, Iloilo.

Unang nakumpiska sa suspek ang isang malaking pakete ng shabu na ibinenta niya sa police poseur buyer gayundin ang P600,000 buy-bust at boodle money.

Bukod dito ay nakuhanan din ang suspek ng 8 malalaking plastik at 20 maliliit na sachet ng shabu at sa kabuuan ay umaabot sa isang kilo ng shabu ang nasamsam dito na nagkakahalaga ng P6.8 miyon. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on