WebClick Tracer

LIFESTYLE

TCDC namamayagpag sa Robotics

Ang Tanza Child Development Center o mas kilala sa acronym na ‘TCDC’ sa bayan ng Tanza, Cavite ang pioneering school sa larangan ng Robotics sa buong probinsiya.

Nasa grade school pa lang, minumulat na nila ang mga estudyante sa aspeto ng computer science at engineering. Magdadalawampung taon na nila itong isinasama sa lessons ng mga bata.

Ayon sa School Director na sila ring may-ari ng eskuwelahan na si Prof. Romeo Solis, ‘This is the area of our competence. We want to develop the 4Cs to our students: Critical Thinking, Creativity, Collaboration, and Communication.’

Present daw ang 4Cs na ito sa Robotics. Nahahasa ang mental at intellectual skills ng mga bata dahil iniisip nilang maigi ang mga paraan kung paano mapatatakbo ang isang bagay. Lumalabas din ang pagiging creative nila sa pagdidisenyo ng robot. May teamwork din lalo pa’t grupo ang bumubuo nito. Higit sa lahat, may open communication sa pagitan ng mga mga miyembro at kanilang master trainer.

Dahil sa angking galing ng eskuwelahan sa Robotics, marami raw paaralan sa Cavite at mga kalapit lalawigan at lungsod ang bumibisita sa TCDC para mag-benchmark at alamin ang kanilang best practices sa paggawa ng robots.

Kaya hindi nagdalawang-isip ang Grade 11 student na si Hanley Tallada na dito pa rin magpatuloy ng Senior Highschool sa TCDC. Kasalukuyan siyang nasa ilalim ng STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) track ng K-12 program.

Kuwento ni Hanley, sa TCDC niya piniling mag-aral dahil advanced ang lectures dito tungkol sa Robotics.

Mechanical Engineering ang target niyang kurso sa kolehiyo kaya alam niyang malaki ang maitutulong ng kaalaman niya sa Robotics para lalong maging mahusay sa pagkukumpuni at pagpapatakbo ng mga bagay.

Sa Japan plano ni Hanley na magkolehiyo kung saan laging una sa technological advancement. Tingin niya, hindi raw siya mapag-iiwanan sa kaalaman at karanasan dahil marami siyang natututuhan sa TCDC.

Pagbabalik-tanaw ni Hanley, ‘I was interested in cars like their engines and stuffs. Before I took this school (TCDC), tumingin ako sa ibang schools. Pero I really like the Robotics po dito kasi hindi lahat ng schools in Tanza nagbibigay ng Robotics. I know in Japan advanced ang technology nila pagdating sa Robotics so ayun po ang tinake ko.’

Malapit sa puso ko ang TCDC dahil dito ako nag-preparatory school. Malaki ang naging parte nila sa aking social at mental development. Dito ako unang natutong makisalamuha at makipagkapwa-tao.

Nakatutuwang magbalik-tanaw – ang paaralang una kong pinasukan, 34 years na pala ngayong 2023.

Congratulations, TCDC! Ipagpatuloy ang magandang nasimulan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on