WebClick Tracer

LIFESTYLE

Masuwerteng Year of the Rabbit

Mga ka-Misteryo kahit Christian country ang Pilipinas ay marami na ang gustong sumunod sa tradisyon ng pagdiriwang sa Lunar Chinese New Year.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Ang 2023 na Year of the Water Rabbit ay aarangkada sa Linggo, January 22 at sinasabing masuwerteng taon sa pangkalahatan.

Yan ang sinabi ni Fengshui Master Michael de Mesa nang makausap natin siya sa ating programa sa DZRH.

Misteryo: “Mukhang maganda-ganda itong taon natin Year of the Water Rabbit?”

Michael: “Kasi alam ho ninyo ang rabbit ay simbolo ng fertility at intelligence unlike last year na tiger na very wild animal siya. This year is best para magpakasal at magka-baby kasi ang flying star number 4, ito ang star of love and creativity dahil lahat ng center ng bahay andun siya.”

Misteryo: “Dahil masuwerte ang pag-aalaga ng Rabbit ngayong taon, lahat ba ng animal sign pwedeng mag-alaga ng kuneho?”

Master Michael: “Hindi po ganun kasi hindi ito pwede sa mga ipinanganak sa year of the rooster dahil clash sila sa rabbit kaya hindi pwedeng mag-alaga ng rabbit. Ang mga ipinanganak ng Year of the Rooster ay very challenging ang year na ito sa kanila. Pwedeng gumamit ng amulet pangontra sa malas ang mga rooster.”

Misteryo: “Anong amulet ang pwedeng isuot o gamitin ng mga ipinanganak sa year of the rooster?”

Master Michael: “Pwede tayong gumamit ng Tai Sui amulet, siya po ang tagapamahala ng swerte sa 2023. Dapat lagi tayong may dala nito para proteksyon ngayong 2023.”

Misteryo: “Ano ang mga dapat gawin bago pumasok ang January 22 para sa Lunar Chinese New Year?”

Master Michael: “Huwag natin kalilimutan na maglinis ng buong bahay bago pumatak ang January 22 para mawala ang negative energy sa bahay at mapalitan ng positive energy.”

Misteryo: “Ano pa ang dapat gawin para mawala ang negative energies sa bahay?”

Master Michael: “Kahit yung simpleng pag-I-incense kahit tayo ay Katoliko ay pwedeng Ipraktis yun to remove the negative energies. Saka may tip ako pwede kayo maglagay ng P168 pesos sa angpao o red envelope at ipuwesto sa likod ng pintuan. After 2 days kunin mo at ilagay sa wallet o kaya I-deposit ang P168.”

Misteryo: “Bakit 168 ang recommended mo?”

Master Michael: “Ang 168 ay auspicious number sa feng shui.”

Ang mahalaga sa lahat ay ang pananalig sa Diyos, positibong kaisipan at kasipagan para suwertehin sa buhay.

Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan at misteryo, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on