Ni Alwin Ignacio
Pangmalakasan si Sharlene San Pedro sa pagiging trending topic sa pa-woke universe na Twitter.
Ito’y dahil isa siya mga kabit sa “Ten Little Mistress”
Panalo ang katauhan niya, isang fresh na K-Drama aficionado at apple of the eye ni Valentin oppa. Moon-Young ang pangalan niya sa kabitan drama-comedy na may halong murder mystery component.
Pulos A-listers ang kasama ni9 Sharlene sa Jun Luna directed series, huh. Ang cast ay binubuo nina Eugene Domingo, Christian Bables, Pokwang, Arci Muñoz, Carmi Martin, Agot Isidro, Kris Bernal, Adrianna So, Kate Alejandrino, Iana Bernardez, Donna Cariaga, at ang pambansang aktor ng Pilipinas, si John Arcilla.
Ngayon pa lang, iniintriga na si Sharlene lalo na sa kakayahan nito sa pag-arte dahil nga sa kanyang mga bigating mga kasama. Eh wala pa namang matandaan ang balana at madlang pipol na significant katauhan niyang talagang tumatak at natatandaan .Kaya nga ang pag-arko ng mga kilay at pamemewang na kay San Pedro nakatuon, wagas na wagas!
Ano nga ba ang taglay na pambihira nito at napasama sa ganitong kalaking proyekto? At hindi pa nga naipapalabas ang comedy kabitan movie eh inaagalahi na ang dalaga.
Naku, naku, naku, sobra naman kayong makapanghusga kay Sharlene “. She is not a book kaya huwag agaran ang pag-judge. Tiyak estrella ang merito nito kaya isinama sa cast at binigyan ng interesanteng katauhan. Kaya sa mga bitter, pahinga na muna kayo at magmumog ng arnibal