WebClick Tracer

OPINION

Social media lalong nagpapagulo ng mundo

Masyado tayong ginulantang ng mga biglaang pagbabago sa social media.

Mula sa nakakaadik na Facebook, YouTube ay sumunod ang Twitter, Instagram at ngayon naman ay ang kinahuhumalingan ng lahat – ang TikTok.

Noong nagkahigpitan dala ng COVID ay marami ang tumutok sa social media dahil may nakitang kitaan dito lalo na sa YouTube. Kaya naman sandamakmak na ang mga kababayan natin ang gumawa ng kani-kanilang YouTube channel.

Kapag libu- libo na kasi ang subscriber mo at naka higit 4K watch hour ka na ay malaki na ang pag-asa mong tumiba ng limpak-limpak na salapi.

Ang tila easy money na kitaan ang nagtutulak sa ilan nating kababayan para sumabak sa pagba-vlog. Sa dami ba naman ng mga kababayan nating tumitiba sa pagiging vlogger ay talagang marami ang magkakainteres.

Katulad na lamang ng magkapatid na vlogger na malamang ay umaasang pumatok ang kanilang video pero inaresto kamakailan dahil sa sablay na diskarte.

Mantakin mo ba namang uminom kunyari ng biniling gasolina at naghimatay-himatayan sa isang gasoline station eh ‘di huli sila dahil sa pang-aabalang ginawa sa mga awtoridad.

Alam natin marami pang ganitong style na pagba-vlog pero dapat ay alam ninyo ang inyong limitasyon hindi tira ng tira magkaroon lamang ng content.

***

Isa pang isyu na nagpalala ng kontrobersiya na unang pumutok sa social media ay ang birthday ng comedian/vlogger na si Alex Gonzaga. Naibahagi lang saglit ang ganap sa birthday ng vlogger ng isa sa mga dumalo sa okasyon at doon na lumaki ang gusot.

Na-bash na ang celebrant at damay-damay na buong angkan nya matapos niyang pagkatuwaan at pahiran ng icing ang waiter na humawak ng kanyang birthday cake.

Sa mundo ng social media ngayon ay normal na ma-bash ka kapag sablay ang ginawa mo.

Pero kung maganda naman ang ipinamalas mo sa isang video ay hindi naman maramot ang netizen na purihin at i-share ng i-share sa social media ang iyong nagawa.

Kanya nga lang ay sadyang marami ang mas tumatangkilik sa mga video na may intriga kumpara sa mga good vibes kaya maging maingat tayong lahat na aktibo sa social media sa pagbibigay ng komento, reaksiyon sa bawat post para hindi tayo nalalagay sa balag ng alaganganin.

Ang dapat nating palaganapin sa ganitong sitwasyon ay good vibes para mawala ang pagkaburyong ng marami sa kabila ng matinding paghihirap na pinagdadaanan dala ng walang puknat na pagtaas ng bilihin at serbisyo.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on