WebClick Tracer

SPORTS

Brice Vincent Baiza, Jana Jelena Diaz tig-2 titulo sa Roxas tennis

Pumoste si Brice Vincent Baisa ng isa pang ‘double,’ sinibak ang pares ng top-rank rivals upang masikwat ang boys’ 16- at 18-U titles na pinarehasan ni Jana Jelena Diaz sa girls’ side sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala Gov. F. Castro National Juniors Tennis Championships nitong linggo sa Villareal Stadium courts sa Roxas City, Capiz.

Giniit ni Baisa na dehins tsamba ang pamamayagpag niya sa Iloilo noong isang linggo, nagmartsa sa 16U finals sa pagbokya kina John Guilaran at Jake Frial, bago iginupo si No. 1 Reign Maravilla, 6-3, 6-2. Ragasa rin ang natuklasan sa Puerto Princesa City sa 18-U championship sa one-sided victories kontra kina Juirus Cantor at Jann Guillano, at sinunod si top seed Vince Serna, 7-5, 6-3, sa pagkumpleto ng second straight two-title sweep sa Group 2 tournament na prisintado ng Dunlop.

Iyon ang nagtulak kay Baisa, 16, na maging solidong paborito sa matagal ng programang naghahanap ng mga talento sa kapuluanng bansa, na binuo ni PPS president/CEO Bobby Castro upang maiangat ang sport a makaduskubre ng mga bagong manlalaro, na darayo sa Bacolod sa Jan. 26-31 at Bais City, Negros Oriental sa Feb. 27.

Para sa pagpaparehistro’t iba pang detalye, kontakin si tournament organizer Bobby Mangunay sa 0915 404 6464.

Sinamantala naman ni Diaz ang pagliban ni Kimi Brodeth ng Ormoc City sa pagdiin sa kanyang top billing upang magpabibo sa girls’ 16-U sa 6-4, 6-1 victory kay Louraine Jallorina.

Sinunod pagkaraan ng rising Bacoor, Cavite star si Feonne Suace, 6-1, 6-2, sa 18-U finals para saluhan sa MVP honors si Baisa sa tournament na inisponsoran ni Gov. Fredenil Castro na may suporta kina sports coordinator Matty Viterbo at consultant Atty. Rudy Alba.

Nanggulantang din si Bjorn Castigador ng Iloilo sa weeklong tourney, tinagpas si top seed Gabrio Serillo, 6-2, 6-3, para makamit ang boys’ 12-U trophy at ginaya ang naabot nina sina Baisa at Diaz sa pagtibag kay Rizal Labindao, 6-1, 6-3, para sa 14-U diadem.

Bumuwelta si Jallorina sa olats kay Diaz sa pagwasiwas sa kapwa Ilongga Frances Alcarde, 6-1, 6-1, para sa girls’ 14-U crown, at ang huli ang nagsubi ng 12-U title sa 7-6(3), 6-1 panalo kay Claire Fungo.

Sa kabilang banda, pinataob ni Francisco De Juan III ng Barotac Viejo, Iloilo si Prince Crisosto, 4-1, 4-0, para magbida sa 10-unisex division ng torneong mga inayudahan ng ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating). (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on