WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Congressman 2 buwan nagbabad sa Europe

Sino raw itong miyembro ng Kongreso na nagliwaliw sa Europe gamit ang pondo ng bayan?

Disyembre pa lang daw ay nag-disappear na itong mambabatas upang magtungo sa Europe.

Mistulang iniwan daw ng mambabatas ang kanyang mga kababayan na naghihintay ng pamasko noong nakaraang buwan.

Hindi guwapo itong ating bida pero mukhang manyak sa unang tingin, kamukha kasi ng mga rapist sa pelikula.

Nataon ang biyahe ni congressman kung saan malamig sa Europe kaya kailangan niya ng pampainit tuwing gabi.

Umuwi lang sa Pilipinas ang mambabatas dahil magbabalik na ang sesyon ng Kongreso.

Hindi sana mabibisto ang biyahe ni congressman kung hindi siya nakita ng taklesang kongresista.

Binati kasi ng tsismosong mambabatas itong ating bida sabay buking na dalawang buwan itong nagbabad sa Europe.

Hindi man lang daw nakaimik itong si congressman para supalpalin ang malditang mambabatas.

Clue: Ang kongresistang nagbabad ng dalawang buwan sa Europe ay mula sa Visayas, habang ang taklesang congressman ay taga-Luzon.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on