WebClick Tracer

SPORTS

Edwin Gastanes, Filipinas ‘gigisahin’ sa PSA Forum

Tatalakayin ang inaasahang makasaysayang national football ngayong taon sa sesyon sa araw na ito (Martes) sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Philippine Sports Commission conference room ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Ikukuwento ni Philippine Football Federation (PFF) secretary-general Atty. Edwin Gastanes ang dakilang kampanya ng Filipinas sa 9th FIFA Women’s World Cup sa Jul. 20-Aug. 20 sa Australia at New Zealand, at sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at 19th Asian Games sa China na lalahukan din ng men’s squad.

Sisimulan sa alas-10:00 ng umaga, ihahatid ang Forum ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, PSC, Philippine Olympic Committee, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ikasasaya ni PSA president Rey Lachica, sports editor ng Tempo, ang pagdalo ng mga miyembro sa pangalawa sa huling sesyon bago mamahinga ang para magbigay-raan sa 2022 SMC-PSA Annual Awards Night. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on