Sa pangalawang pagkakataon ay ikinasal si Glaiza de Castro sa kanyang Irish husband na si David Rainey, this time ay dito naman sa Pilipinas.
Matatandaang ikinasal sina Glaiza at David in an intimate ceremony sa Northern Ireland noong October, 2021.
Ginanap naman ang 2nd wedding nila ngayong January 23 sa Zambales.
Base sa inilabas na mga larawan ng Sparkle GMA Artist Center sa Instagram, star-studded ang nasabing wedding dahil sa pagdalo ng napakaraming celebrities.
Ayon sa ulat ng NewsKo, kabilang sa mga ninong at ninang si Willie Revillame at ang GMA exec na si Annette Gozon-Valdes.
“What a star-studded wedding ✨️ Here’s who we spotted at Glaiza de Castro and David Rainey’s dreamy wedding today in Zambales!” ang nakasaad sa caption.
Makikita rin sa larawan na ginanap ang kasal sa tabing-dagat at napakaganda ni Glaiza sa kanyang mala-dyosang wedding gown.
“Glaiza de Castro and David Rainey’s beautiful fairytale wedding is enough to make us fall even more in love with them,” ang mababasa pa rin sa caption.
Matatandaang few days ago ay nag-organize pa ng surprised bridal shower si Angelica Panganiban para sa kanyang BFF na si Glaiza.
Lito ‘mandurukot’ sa Quiapo
Mukhang may bago na namang itatawag ngayon kay ‘Pinuno’ Sen. Lito Lapid matapos magmarka ang kanyang karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Romulo na pinuno o leader ng Pulang Araw group.
Makakasama na naman si Sen. Lito sa bagong action-serye ni Coco Martin, ang FPJ’s Batang Quiapo and this time, supremo naman ang kanyang role.
“Parang ako raw ‘yung pinaka-hari ng mandurukot o supremo sa Quiapo. Parang ‘yung role ni FPJ (yumaong Fernando Poe, Jr.) du’n sa ‘Batang Quiapo,’” kuwento ni Pinuno sa pre-Valentine tsikahan with the entertainment press kahapon.
Kahit na nga ba nasa politika na naman si Sen. LL, ang showbiz industry raw ay hinding-hindi niya makakalimutan dahil dito siya nagmula at ito ang binuhay niya sa kanyang pamilya.
Excited na nga siya ulit na makasama si Coco at ang buong team dahil talagang nag-enjoy siya sa FPJAP dahil dito raw muling nabuhay ang kanyang career hindi lang sa pag-aartista kungdi maging sa politika.
Para sa kanya, isang napakalaking dahilan kung bakit siya nanalo nitong nakaraang 2019 elections bilang Senador ay dahil sa FPJAP.
“Pa-retire na ako (sa politics, eh). Dapat hindi na ako tatakbo. Eh tinawagan ako ni Senate President Tito Sotto, tumakbo raw ako. Siguro, dahil sa mataas ang ratings ko dahil sa ‘Probinsyano.’
“Hindi naman lingid sa ating lahat na nakilala ako ng mga millennials. Dati kasi, mga senior citizens lang ang nakakilala sa akin. Mga pelikula ko noong araw, tinatawag akong Leon Guerrero. Pagkatapos ng ‘Probinsyano,’ tinawag ako na ‘pinuno,’ ‘Yun ang kilala ng mga kabataan.
“Lalong-lalo na nun’g tumakbo akong Senador, tumaas ‘yung ranking ko, naging no. 7 ako. Kaya nagpapasalamat ako unang-una kay Coco Martin dahil nabuhay uli ang career ko bilang artista, at ngayon nga, nabibigyan na naman kami ng pagkakataon, at least, nagustuhan kaming kasama ni Coco Martin, dito sa Batang Quiapo,” aniya.
Kasama rin ni Sen. Lito na humarap sa entertainment press ang anak niyang si Mark Lapid who is the Chief Operating Officer (COO) of Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA). Makakasama rin siya sa FPJBQ kaya excited din siya kung ano ang kanyang magiging papel.