WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Lupa sa gubat sinakop, 7 dinampot

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibiduwal dahil sa pagsakop umano sa kalupaan o forest land kamakailan sa Palompon, Leyte.

Kinilala ng NBI-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang naarestong sina Christian David Calo Madrona, Milven Gonzaga Cardello, Domingo Borinaga Bulahan, Sunny Boy Merced Isidro, Bryan Joseph Magallanes, Jonathan Cabo Calo at Gina Labor Quumbo.

Nag-ugat ang operasyon matapos ireklamo ang isang poultry establishment na itinayo sa loob ng lupain na kinlasipika bilang Timber land/Forest land sa Barangay Lat-osan, Palompon, Leyte.

Kinilala ng NBI-EnCD na “Zachary farm” sa pamamagitan ng isinagawang mga surveillance at beripikasyon sa Department of Environment and Natural Resources Region VIII kung saan wala umanong ibinigay na permit sa kahit na sinong indibiduwal para makapagtayo ng istruktura.

Nitong Enero 17, pinuntahan ng NBI ang lugar dahilan nang pagkakaaresto ng 7 indibiduwal. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on