WebClick Tracer

SPORTS

Mga pro triathlete babalik sa IRONMAN 70.3 Davao

Dehins lang IRONMAN 70.3 Davao ang naghahanda para sa bonggang pagbabalik sa Marso 26 sa Auela Cove kundi ang mga magbabalik ding mga professional sa isa sa mga tampok na okasyon sa taon ng triathlon.

Positibo ang organizing IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. sa malaking bilang ng mga kalahok sa nalalapit na kaganapaan, nag-iisang pro-laced race sa abalang taon na may mga astig na banyagang endurance racer sa iba’t ibang panig ng mundo na maglalabo-labo pra sa pangunahing karangalan ng 1.9k swim-90k bike-21k run distance race sa championship course.

Niyanig ni Mauricio Mendez ong Mexico si multi-titled Tim Reed ng Australia sa 1st IM 70.3 race sa Davao noong 2018 samantalang binulilyaso ni Germany’s Markus Rolli si Aussie legend Craig Alexander nang sumunod na taon.

Inaasahang makakapagpasigla rin ng ekonomiya’t turista ang IM 70.3 Davao, na isa ring qualifying race para sa World Championships sa Finland sa August.

Aktuwal na idaraos ng Davao ang 3rd IM 70.3 race noong 2022 mula sa dalawang taong pagkatengga sanhi ng pandemya, pero nakansela ang event dahil sa kaganapan sa pangunahing lungsod sa Mindanao. Ang paghihintay, ganunpaman, nagbigay sa organizers at hosts nang mar maraming oras na makapaghanda at tiyaking malaki, puno ng magagaling, ang karera na may nakatayang $30K para sa maghahari’t reyna.

“We are thrilled and excited to be starting out the new triathlon season with a comeback race in one of the country’s top triathlon hubs,” sey Lunes ni IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. general manager Princess Galura, na misyong ilagay ang ‘Pinas sa mapa sa mundo ng sports na turismo sa pagdaraos ng mga world-class endurance race.

Magpapanghang sa IM 70.3 Davao ang Girls’ Run sa Mar. 24 at IronKids sa Mar. 25.

“After the challenges we had faced during the pandemic, we have coordinated with the local authorities not only to stage a safe race experience for the athletes but also to put up the best possible IM 70.3 in Davao,” panapos na lahad ni Galura.

Para sa mga detalye pa at pagpapalista, bisitahin ang ironman.com/im703-davao-philippines. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on