WebClick Tracer

SPORTS

Yuka Saso sumosyo sa pang-6 ibinangko P3M

Kinapos ang nakakapanginig na rally ni Yuka Saso ng Japan para sumalto sa Top 5 na pagtatapos, nagsalpakng eagle at tatlong birdie, pero nagkaroon ng tatlong bogey para sa 70 at tumabla sa pang-anim na may premyong $56,117 (P3M).

Sa wakas ito ng 74th Ladies Pprofessional Golf Association Tour 2023 Leg 1 $1.5M (P81.6M) 5th Hilton Grand Vacations Tournament of Champions 2023 sa Lake Nona Golf and Country Club sa Orlando, Florida nitong Linggo (Lunes sa Maynila) na pinagreynahan ni Brooke Henderson ng Canada sa coast-to-coast.

May 34-36 ang 20 taong-gulang na Filipina-Japenese na kinakalinga ng ICTSI (International Container terminal Services, Inc.) para sa 8-under 280 gaya nina Paula Reto ng South Africa (70) at Gaby Lopez ng Mexico (70), walong palo ang layo kay Henderson (70-272) sa four-stroke win naman kina Maja Stark ng Sweden (69) at Charley Hull ng England (69) na may tig-276.

Ang desenteng tapos pa rin ni Saso’y magarang puhunan niya para sa dalawang yugto ng LPGA Tour sa Southeast Asia sa Feb. 23-26 (Honda LPGA Thailand) sa Chonburi at sa Mar. 2-5 (Women’s World Championship) sa Singapore.

Nagsolo siya sa pang-anim sa Tournament of Champions 2022, tumabla sa pang-12 sa Thailand at sumalo sa pang-43 puwesto sa Sentosa sa nakaraang taon. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on