WebClick Tracer

METRO

4 rider sinuyod ng van

BOLUNTARYONG sumuko ang driver ng isang Toyota Hi-Ace van na umararo sa apat na motorcycle rider matapos nitong tumakas noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang driver ng Toyota Hi-Ace van na si Martin Sunga Ancheta, 70, ng Greensite, Brgy Molino 2, Bacoor City.

Bago ito, alas-dos ng madaling araw nang araruhin ng driver ng Hi-Ace na may plakang DDZ 8564 ang biktimang sina Michael John Engane y Delambotique, Jay-Ar Tuasoc y Dualos, Mark Daniel Valdez y Sarno at Mikko Jan Servida y Bayudan, pawang nasa wastong edad sa Aguinaldo highway corner Dano St., Dasmarinas City.

Natukoy ang driver makaraang maplakahan ang van at naberipika sa LTO na pagmamay-ari ito ng isang Marie Milan y Ancheta, ng Green Gate Subd., Brgy Malagasang, Imus Cavite at matapos magbigay ng pabuya si Rep. Elpidio F Barzaga Jr, ng 4th District, Cavite ay natunton ang kinaroroonan ng driver.

Nagkaroon na umano ng amicable settlement ang dalawang panig at kahandaan ng driver na sagutin ang mga ginastos sa pagpapagamot at pagpapaayos sa mga nasirang motorsiklo. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on