WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

6 MILF inambus ng BIFF

Dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi habang apat na iba pa ang malubhang nasugatan nang tambangan ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Maj. Saber Balogan, tagapagsalita ng 601st Brigade ng Philippine Army (PA) ang nasawi na sina Muhidin Kasanudin at Mackboy Mama.

Isinugod naman sa pagamutan sina Mistah Miguel Bukong, Baser Bukong, Badz Haron at Usman Tawab, pawang miyembro ng MILF 105th base.

Ayon kay Balogan, alas-nuwebe ng gabi nitong Lunes nang tambangan ng grupo ni BIFF commander Abdulkarom Lumbaton ang grupo ni MILF 10th at 118th base command na pinangungunahan ni commander Tikaw sa Barangay Tukanalipao.

Gumamit ng improvised explosive device ang BIFF na itinanim kung saan dadaan ang grupo ni commander Tikaw.

Tumagal ng halos 30-minuto ang bakbakan na ikinasawi ng dalawa sa MILF.

Hindi naman matukoy ng mga awtoridad kung may nasugatan sa panig mg BIFF. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on