NASA lima hanggang sampung porsiyento ng mga pananim na palay sa ilang bayan sa Cagayan ang apektado ng pananalasa ng mga pesteng dagang bukid, ayon sa Department of Agriculture-Region 2 (DA-R2) kahapon.
Ayon kay DA-R2 senior science research specialist Minda Flor Aquino, nag-report sa kanila ang mga bayan ng Burgos, Echague, Tumauini at Cabatuan sa Isabela na may mga taniman silang apektado ng “rodents” o mga pesteng daga.
Dagdag ni Aquino, may mga pananim na ring apektado sa Maddela, Quirino at Piat, Cagayan.
Sinabi ng DA-R2, na kabuuang 1,309 hectares na taniman ng palay na sa 552.3 hectares ang napeste. (Allan Bergonia)