WebClick Tracer

SPORTS

Ark of Gold, 5 pa rambulan sa Philracom Maiden Race

Anim na tigasing mga batang kabayo ang magtatagisan sa Philippine Racing Commission 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga ngayong araw sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas.

Mangunguna sa mga kakaripas sa 1,200-meter race sina Ark Of Gold at Kingwash Pogi Bato na may papremyong P20K para sa winning horse owner.

Ang iba pang ibang mga haharurot ay sina Wild Eagle, Marikit, Go Aydan Go at Maybach.

Ang kaganapan ay isa sa walong race ng MMTCI ngayong Miyerkoles na lahat ay suportado ng Philracom sa liderato ni Aurelio De Leon. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on