WebClick Tracer

SPORTS

Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. bumubuti ang kalagayan

Nasa maayos na ang kalagayan ni Philippine Basketball Association legend Avelino ‘Samboy’ Lim Jr.

Base ito sa bagong pinost Lunes sa The Skaywalker’s official Facebook page, dinagdag pang mahusay ang pangangalaga ng pamilya ni Lim sa pangunguna ni karate star Jamie Christine, at mga doktor sa retiradong basketbolista.

Patuloy ring sumasailalim ang 60-anyos, 6’0” na talampakan ang taas sa palitang occupational at physical therapy sa matagal na niyang pakikipagbuno sa gamutan makaraang mag-collapse sa isang exhibition game noong 2014 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nakaligtas naman ang nine-PBA champion, tampok ang 1989 grand slam sa San Miguel Beer, mula sa comatose, pero nanatiling nakaratay sa kama at wheelchair sa mahabang panahon.

Sumikat sa Lim sa kanyang panahon sa paglipad at pananatili ng ilang segundo sa ere. Swak siya sa PBA Greatest 25 at 50 Players. (Gerard Arce)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on