WebClick Tracer

METRO

Baby sinangla ng adik na ermat

Isang 6-buwang sanggol ang wala umanong pakundangang isinanla ng sarili nitong ina para lang sa iligal na droga sa Dasmariñas, Cavite.

Bagamat itinanggi ito ng ina ay inamin naman niyang nagpunta siya sa Cavite para kunin ang gagamiting shabu.

Sa ulat, nasagip naman ng mga tauhan ng Cabuyao Police at City Social Welfare Office ang sanggol na noo’y may ubo at nilalagnat, sa liblib na lugar sa Paliparan.

“Parang barter ang dating… marami na tayong nahuli hindi ganoon pero ito iba kasi ‘yung anak niya ang ginamit niya para makakuha ng drugs,” saad ni Cabuyao Police chief Police Lieutenant Colonel Jack Angog.

“Tapos kung magkano man ‘yung kikitain niya du’n, ibabalik niya, ibibigay niya du’n worth the same shabu para makuha niya ulit ‘yung anak niya,” ani Angog.

Sa ngayon ay nakakulong sa Cabuyao Police Station ang ina at sinampahan na ng mga reklamong paglabag sa RA 9165 habang ang kanyang anak ay nasa pangangalaga na ng CSWD. (Jan Terence)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on