WebClick Tracer

NEWS

Baho sa DPWH, pamilya inungkat! Villar kinuyog sa UP degree

Umani ng pagtutol mula sa kinatawan ng mga mag-aaral ng University of the Philippines (UP) ang plano ng unibersidad na bigyan ng honorary degree si Senator Mark Villar.

Ang planong pagbibigay ng ‘honoris causa’ kay Villar ay isinapubliko noong Lunes matapos ilathala ng UP Office of the Student Regent (OSR) sa Twitter ang liham nito kay UP President Danilo Concepcion, na nagpahayag ng pagtutol sa hakbang.

Kumakatawan ang OSR sa mga mag-aaral sa UP Board of Regents, na inilarawan bilang ‘highest governing body’ sa UP System, at ang board ay co-chaired ni Concepcion.

“Despite his contributions to several infrastructure projects in the University as the Secretary of Public Works and Highways, we must look into the character of him as part of the Villar family,” pahayag ni Student Regent Siegfried Severino, na aniya’y dating pinangasiwaan ni Villar.

“Several issues of land-grabbing and development aggression hound their family’s reputation and his stint as the Secretary of DPWH exacerbated these key issues,” giit pa ni Severino.

Sa ulat ng ABS-CBN ay kinumpirma ni UP Vice President for Public Affairs Elena Pernia ang plano ng premier state university na bigyan ng honorary degree si Villar.

Sinabi naman ni UP Assistant Vice President for Public Affairs Jose Wendell Capili na magaganap ang conferment sa Biyernes sa UP College of Law.

Ayon kay Capili, ang pagkakaloob ng UP ng honorary degrees ay sumasailalim sa isang mahigpit na proseso, na kinabibilangan ng konsultasyon sa mga stakeholder.

Binanggit niya ang mga proyektong ginawa noong panahon ni Villar bilang kalihim ng DPWH.

Hiningan naman ng Abante ng reaksyon si senador Mark Villar sa pagtutol ng UP-OSR pero habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon ang tanggapan ng mambabatas. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on