WebClick Tracer

METRO

Dalaga lumaklak ng asido, tumalon pa sa condo

Nagpatiwakal sa pamamagitan nang pag-inom ng asido ang isang dalaga bago tumalon sa ikalimang palapag ng inuupahang condo unit sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City, Lunes ng gabi.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-11:59 ng gabi nang matagpuan ang 23-anyos na biktima na nakahandusay sa ground floor ng condo.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSG Angel T Pascasio III, nilapitan umano ng isang lalaki ang sikyo ng condo at sinabing may namataan siyang babaeng nakahiga sa garden.

Pagpunta ng sikyo sa garden ay nakita ang babaeng nakabulagta at hindi na humihinga.

Agad na humingi ng saklolo sa mga opisyal ng Brgy. Pasong Putik ang guwardiya at dinala sa Commonwealth Hospital and Medical Center ang dalaga subalit idineklara na itong dead on arrival ala-1:20 ng madaling araw.

Nakasamsam naman ang SOCO Team ng QCPD Forensic Unit na pinamumunuan ni Police Captain Eric Angay Angay ng isang bote ng muriatic acid na walang laman sa loob ng unit ng dalaga. Napansin din ng mga awtoridad ang nagkalat nitong mga gamit.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung may ‘foul play’ sa insidente. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on