WebClick Tracer

METRO

Fan nabudol ng P10K sa `Wowowin’

Sa halip na masaklolohan, natangayan pa ng cash money ang isang babaeng humingi ng tulong sa TV show na Wowowin noong Linggo.

Sa pahayag nitong Lunes sa pulisya ng biktimang si Ruvy Gael, residente ng Brgy. Talisoy, Jomalig, Quezon, nanonood umano siya ng Wowowin sa kanyang cellphone nang maisipan niyang humirit ng tulong sa comment section para sa kanyang kapatid.

Aniya nag-comment siya ng “Sir kahit panggamot lang ng kapatid kong bunso na di naaalis ang sugat sa ulo. Sana po matawagan niyo kami,”saka nito inilagay ang kanyang cellphone number.

Kasunod nito ay tumawag sa kanya ang nagpakilalang si Willy Revillame na host ng show at sinabing nanalo siya ng P10,000.00. Inabisuhan siya nitong magpunta sa pinakamalapit na GCash Remittance Center para ma-claim ang premyo.

Lingid dito, sa halip na pagka-cash out, pagka-cash in ang ibinigay sa kanyang instruction ng caller papunta sa isang GCash account number na 09351055265 na may pangalang Wenalyn T.

Matapos ang transaksyon, laking gulat ng biktima nang singilin siya ng GCash teller ng

P10K na ipinadala nito sa nasabing account number.

Napilitang magbayad ang biktima at saka nagsumbong sa pulisya. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on